Maghanda para sa mga wildfire
Patatagin ang Inyong Tahanan at Bumuo ng Hindi Matitinag na Espasyo
- Patatagin ang inyong tahanan sa pamamagitan ng paggamit ng hindi natatablan ng apoy na mga materyal upang bumuo, mag-renovate, o mag-ayos.
- Humanap ng panlabas na pinagmumulan ng tubig gamit ang isang hose na makakaabot sa anumang lugar ng inyong lupain.
- Bumuo ng hindi matitinag na espasyo sa iyong tahanan at ari-arian na walang mga dahon, debris o mapagmumulan ng sunog na materyales nang hindi bababa sa 30 na talampakan mula sa inyong tahanan.
- Maglaan ng isang kuwarto na maaaring hindi pasukan ng panlabas na hangin. Isarado ang lahat ng mga pinto at bintana. Maglagay ng portable air cleaner upang mapanatiling mababa ang polusyon sa loob kapag mayroong mausok na mga kondisyon.
- Mas matuto pa tungkol sa kung paano makakapaghanda sa wildfire sa pamamagitan ng pagbisita sa Ready, Set, Go! Program ng Cal Fire.
- Ang mga miyembro ng komunidad ng Santa Clara County ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang pinakamalapit na fire department para sa higit pang impormasyon kung paano mapoprotektahan ang kanilang tahanan mula sa wildfire.
Patatagin ang Iyong Pinansiyal na Kakayahan
- Mangalap ng pinansiyal at kritikal, pansambahayan at medikal na impormasyon.
- Gumawa ng pisikal at elektronikong mga kopya ng lahat ng mahahalagang mga dokumento. Ilagay ang papel sa inyong mga emergency supply kit. Dapat i-save ang elektronikong mga kopya sa isang USB o flash drive at i-upload sa cloud para mabuksan.
- Magtago ng maliit na halaga ng pera sa bahay sa ligtas na lugar para sa mga emerhensiya. Mahalaga na mayroong maliit na halaga ng pera kung sakaling huminto sa paggana ang mga ATM at credit card.
- Kumuha ng insurance sa ari-arian (para sa mga nagmamay-ari ng bahay o nangungupahan), kalusugan, at buhay kung wala ka ng mga ito.
- Suriin muli ang mga polisiya upang matiyak na ang halaga at mga uri ng coverage na mayroon ka ay nakamit ang mga pangangailangan para sa lahat ng posibleng mga panganib. Ang insurance para sa mga nagmamay-ari ng bahay ay hindi kadalasan sakop ang pagbaha, kung kaya maaaring kailangan mong bumili ng flood insurance mula sa National Flood Insurance Program.
- Para sa mas nakakatulong na mga tip sa pinansiyal na paghahanda, i-download ang Emergency Financial First Aid Kit (EFFAK) o makipag-ugnayan sa amin sa [email protected] upang kunin ang inyong kopya.
I-mapa ang Iyong Ruta sa Paglikas
- I-mapa ang iba’t ibang mga ruta sa magkakaibang direksiyon kung sakaling hindi madaanan ang inyong unang opsiyon.
- Markahan ang mga mapagkukunan sa emerhensiya, kabilang ang mga shelter, grocery store, ospital, istasyon ng pulis, mga madadaanan na lugar, at tukuyin ang mga lugar ng pagkikita-kita kung kayo ay magkahiwa-hiwalay.
- Magsanay na magmaneho o maglakad alinsunod sa ruta ng paglikas kasama ang inyong sambahayan at mga alagang hayop at tukuyin ang anumang posibleng panganib o balakid na maaaring pumigil sa inyo na magamit ang ruta. Pag-usapan kung paano mababawasan ang mga hamon na maaari ninyong harapin sa ruta.
- Sundin ang mga tagubilin mula sa mga lokal na awtoridad. Magbibigay sila ng pinakahuling mga rekomendasyon batay sa banta sa inyong komunidad at nararapat na mga pangkaligtasan na hakbang.
Manatiling Ligtas sa Panahon ng Wildfire
- Maging mapagmatiyag sa mga pang-emerhensiyang alerto at notipikasyon para sa impormasyon at mga tagubilin.
- Lumikas agad kapag sinabihan ng mga awtoridad!
- Kung nakulong, tumawag sa 9-1-1 at ibigay ang inyong lokasyon, ngunit magkaroon ng kamalayan na ang pagtugon sa emerhensiya ay maaaring maantala o hindi posible. Buksan ang mga ilaw upang matulungan ang mga tagapagligtas na mahanap ka.
- Gumamit ng N95 mask upang maprotektahan ang inyong sarili mula sa paglanghap ng usok o malimitahan ang inyong pagkakalantad sa usok.
- Para sa mga mayroong pangangailangan sa pag-akses at paggalaw, kabilang ang mga taong may kognitibo at pisikal na kapansanan, mayroong limitadong kasanayan sa pagsasalita ng Ingles, mga nakatatanda at mga indibidwal na mayroong limitadong paggalaw, mangyaring tumawag sa 9-1-1 para sa tulong.
Ano ang Pagkakaiba ng Kautusan sa Paglikas at isang Babala?
- Kautusan sa Paglikas – Agarang banta sa buhay. Ito ay isang kautusan ayon sa batas na umalis na. Ang lugar ay isinarado sa paggamit ng publiko ayon sa batas.
- Babala sa Paglikas – Posibleng banta sa buhay at/o ari-arian. Ang mga nangangailangan ng karagdagang oras upang lumikas at mga mayroong alagang hayop at livestock ay dapat umalis na ngayon.
Kung Mayroong Pangangailangan na Lumikas, Paano Ako Aabisuhan?
- Pang-emerhensiyang Alerto - sa pamamagitan ng cellular at landline phone. Tiyakin na nakarehistro ka upang makatanggap ng mga pang-emerhensiyang alerto.
- Social Media - ipapahayag ang mga mensahe sa pamamagitan ng Nextdoor, Twitter, at Facebook.