Mga Tip sa Kaligtasan sa Lindol
Bago ang Lindol
Maaaring makapaghanda kayo ngayon sa pagtitiyak na ang inyong mga tahanan ay handa sa lindol. Maaaring gumawa tayo ng walang gastos na pagkilos tulad nang paglilipat ng mga mabibigat na bagay mula sa itaas na mga istante pababa sa mas mababang mga istante o sahig at ang hindi pagsasabit ng mga mabibigat na bagay sa ibabaw ng ating mga kama at sofa. Kabilang sa mga murang aksyon ang pag-secure ng ating mga cabinet at drawer, pagdaragdag ng mga safety latch para hindi malaglag ang mga tasa at pinggan, at ligtas na pagkakabit ng malalaking appliances at muwebles sa wall studs o i-bolt ang mga ito pailalim.
Mga hakbang na magagawa natin para maging handa sa lindol:
- Pagtiyak ng kaligtasan ng ating lugar sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga panganib at pag-secure ng mga naililipat na bagay tulad ng mga muwebles at iba pang mabibigat na bagay upang maiwasan ang mga pinsala at pagkasira.
- Pagpaplano na maging ligtas sa pamamagitan ng pagbuo ng disaster plan at pagpapasya kung paano makikipag-ugnayan sa isang emerhensiya. Saan kayo magkikita ng iyong pamilya? Paano kayo pupunta sa trabaho? Marunong ka bang mag-CPR o gumamit ng isang fire extinguisher?
- Pag-oorganisa ng mga suplay sa kalamidad sa pamamagitan ng pag-empake ng ating Go Bags, isang emergency supply kit para kung kinakailangan nating lumikas kaagad.
- Pagbawas sa pinansiyal na kahirapan sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga importanteng
dokumento, pagpapatibay sa ating ari-arian, at pagkunsidera sa insurance. - Magsanay na Dumapa, Magtaklob, at Manatili para alam natin kung ano ang gagawin pagdating ng lindol.
- Pagpapabuti ng kaligtasan pagkatapos ng lindol sa pamamagitan ng paglikas, pagtulong sa mga
nasaktan kung maaari, at pagiging handa para sa mga aftershock. - Muling pagkonekta at pagpapanumbalik sa pamamagitan ng pagkumusta sa pamilya, mga kaibigan, at kapitbahay, pagkumpuni sa mga nasira, at pagbangon muli ng iyong komunidad.
Habang may Lindol
Kung ang sahig ay nag-umpisang yumanig, kaagad dumapa sa sahig --- takpan ang iyong ulo at mga balikat, gumapang sa ilalim ng matibay na lamesa, at manatili hanggang tumigil ang pagyanig – tandaan, DUMAPA, MAGTAKLOB at MANATILI! Kung walang malapit na matibay na taguan, gumapang palayo sa mga bintana sa tabi ng isang panloob na dingding. Lumayo sa mga salamin, bintana, panlabas na pinto at dingding, at sa anumang bagay na mahuhulog, tulad ng pangkabit ng ilaw o muwebles.
Manatili kayo sa lugar hanggang sa paghinto ng pagyanig. Huwag tumakbo sa labas. Huwag
pumasok sa daanan ng pinto dahil hindi dito nakakabigay ng proteksiyon sa mga nahuhulog o
lumilipad na bagay, at maaaring hindi kayo mananatiling nakatayo. Kung kayo ay nasa kama: Manatili doon at takpan ang iyong ulo at leeg ng unan. Sa gabi, mahirap makita at maiwasan ang mga panganib at debris; maaaring magresulta sa mas maraming pinsala sa mga tangkang paggalaw sa dilim kaysa pananatili sa kama.
Pagkatapos ng isang Lindol
Maging handa na DUMAPA, MAGTAKLOB at MANATILI para sa mga aftershock.
Sa sandaling huminto ang pagyayanig, mahalaga kayong kumilos nang mabilis at ligtas. Tumingin sa kapaligiran para matukoy ang mga panibagong peligro tulad ng mga tumutulo na linya ng gas, pinsala sa gusali, bagsak na mga linya ng kuryente o tubig, o iba pang mga bagay na mapanganib. Tandaan lagi na ang iyong kaligtasan ay una sa lahat! Kung kayo ay ligtas, ikaw ay mas makakatulong sa iba.
Ang Great California ShakeOut Drill
Lumalahok ang County ng Santa Clara sa taunang Great California ShakeOut earthquake drill, kung saan milyun-milyong tao sa buong mundo ang lumalahok sa mga earthquake drill sa trabaho, paaralan o tahanan! Maghanda na DUMAPA, MAGTAKLOB, at MANATILI! Kausapin ang iyong pamilya, mga kaibigan at kapitbahay tungkol sa Great California ShakeOut at hikayatin silang makilahok kahit nasaan man sila.