English | Español | 中文 | Tiếng Việt | Tagalog
Madali lang ang pagsign-up para sa Alert SCC. I-click lamang ang Sign-Up button sa ibaba para makagawa ng account at patunayan ang iyong address. Kung ikaw ay nakalista na sa AlertSCC at kinakailangan mong baguhin ang impormasyon ng iyong account, maglog-in sa pamamagitan nang pagpindot ng button sa ibaba.
Kung ikaw ay nakapagsign-up na, pinapayagan ka ng AlertSCC na idagdag ang address ng iyong mga magulang, anak, at kaibigan sa iyong profile para matulungan silang masubaybayan ang mga alerto sa kanilang lugar kahit wala ka.
Magparehistro Maglog-in
Bakit kailangang mag-Sign Up para sa AlertSCC?
Ang pagkakaroon ng TAMANG impormasyon sa TAMANG oras ay makakatulong sa iyo na gumawa ng mga TAMANG desisyon sa panahon ng emerhensiya o sakuna.
Ang AlertSCC ay ang opisyal na emergency alert at warning system ng County ng Santa Clara.
Para makakuha ng pinakahuling impormasyon sa mga emerhensiya at sakuna na nagaganap sa iyong lugar, gamitin ang impormasyong ibinigay ng AlertSCC bilang karagdagan sa mga alert at warning system ng lokal, estado at Federal. Tiyakin ang pagsubaybay sa mga mahahalagang anunsiyo sa television, radyo, at mga website ng County at Lungsod.
Paano Tinatanggap ang mga Alerto
Walang bayad para sa lahat ang AlertSCC at madaling i-set up. Direktang pinapadala ang mga alerto sa iyong mobile device, landline, at/o email.
Ikaw ang magpapasiya kung paano mo gustong makatanggap ng mga alerto at sabihin ang tuntunin na gusto mong maabisuhan.
Mga Uri ng mga Alerto
Magbibigay ang AlertSCC ng mga alerto sa sunog, lindol, malalang panahon, krimen at mga tagubilin sa panahon ng sakuna.
Ligtas ang Iyong Impormasyon
Ang impormasyon na ibibigay ninyo sa AlertSCC ay kumpidensiyal,ligtas, at maaaring burahin ng anumang oras. Gagamitin lamang ang impormasyon ng awtorisadong tao ng County o lungsod at hindi ipamamahagi sa sinumang pribadong kumpanya.