Istruktura ng CMIST
Ang kahulugan ng CMIST ay Communications (Komunikasyon), Maintaining Health (Pananatili ng Kalusugan), Independence (Kalayaan), Support (Suporta), Safety and Self-Determination (Kaligtasan at Sariling Pagpapasya), and Transportation (Transportasyon). Mas matuto pa tungkol sa batayan sa pagbubuo ng balangkas ng CMIST.
Mga Komunikasyon
Pagpapabuti ng komunikasyon sa mga taong may limitadong kahusayan sa Ingles at kakayahan na magsalita, makakita, makarinig, o makaintindi.
Pagpapanatili ng Kalusugan
Pagbabawas ng mga negatibong epekto ng isang sakuna o emerhensiya sa mga indibidwal na nangangailangan ng mga gamot, serbisyo, durable medical equipment (DME), kuryente para sa kagamitang nagpapanatili ng buhay, mga nagpapasuso na nanay at nangangalaga ng bata, o nutrisyon.
Kalayaan
Pagsisikap para matiyak ang patuloy na access sa mga kinakailangang device na panggalaw o assistive technology, mga tulong na kagamitan sa paningin at komunikasyon, at mga hayop pangserbisyo (service animals) na tumutulong sa mga indibidwal na mapanatili ang kanilang pamumuhay nang mag-isa.
Suporta, Kaligtasan, at Sariling Pagpapasya
Pag-uugnay ng mga miyembro ng komunidad sa mga mapagkukunan na nagbibigay ng dagdag na tulong sa personal na pangangalaga sa mga taong nakakaranas ng mataas na antas ng pagkabalisa, mga pangangailangang sikolohikal o para sa kalusugan ng pag-uugali; o nangangailangan ng isang pamamaraan na may pag-unawa sa trauma o suporta para sa personal na kaligtasan, kalusugan, at kapakanan pagkatapos lumabas ng ospital.
Transportasyon
Pagpapadali sa koordinasyon ng pangmasang transportasyon at madaling makaugnay na mga tagapagbigay ng serbisyong pangtransportasyon sa mga miyembro ng komunidad na may limitadong paggalaw o nangangailangan ng dagdag na suporta sa transportasyon sa emerhensiya at mga sakuna.