Skip to main content

Pagkawala ng Kuryente

Nangyayari ang PG&E Public Safety Power Shutoff (PSPS) bilang tugon sa malalang panahon. Mas matuto kung ano ang aasahan at paano magplano para sa pagkawala ng kuryente.

Enhanced Powerline Safety Settings

Para maiwasan ang mga wildfire sa panahon ng pangkasalukuyang tagtuyot, tuluy-tuloy na pinagbubuti ng PG&E ang kanilang pagsisikap sa kaligtasan para maprotektahan ang kanilang mga kustomer at komunidad. Kasama dito ang pagsasaayos ng pagiging sensitibo ng ilan sa mga kasangkapan para awtomatikong patayin ang kuryente sa loob ng isang ikasampu ng isang segundo kapag natuklasan ng sistema ang isang problema. Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS) ang tawag namin dito. Itong taon, pinapalawak namin itong mga setting na pangkaligtasan sa lahat ng mga powerline na nasa high fire-risk areas (HFRAs) at ang ibang mga linyang katabi ng mga HFRAs. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang pge.com/epss.

Ipinapakita ng mapa sa ibaba ang mga tinatayang lugar sa inyong komunidad na pinapagana ng mga EPSS-capable circuits, na mapapagana sa mga panahon ng mas mataas na panganib ng wildfire.

Enhanced Powerline Safety Settings. Map shows the approximate areas in your community powered by EPSS-capable circuits, which will be enabled during times of heightened wildfire risk.

Para sa mga Kustomer ng PG&E

  • Manatiling may kaalaman sa pinakahuling updates ng Public Safety Power Shutoff.
  • I-update ang kontak na impormasyon sa online o sa pagtawag sa 1 (866) 743-6589 sa pangkaraniwang oras ng opisina. Gagamitin ng PG&E itong impormasyon para ialerto ang mga kustomer kung kailan at saan kung posible bago putulin ang serbisyo sa kuryente para sa kaligtasan.
  • Kung ikaw o ang iyong miyembro ng sambahayan ay nangangailangan ng isang medikal o life support device para sa isang medikal na kondisyon, mag-apply sa PG&E Medical Baseline Program.
  • Kung kwalipikado ang inyong device, kayo ay makakatanggap ng isang mas mababang singil sa inyong buwanang gastos sa kuryente at makakatanggap ng mga karagdagang abiso nang maaga sa isang Public Safety Power Shutoff. I-download ang Pacific ADA Center’s Emergency Power Planning Fact Sheet.
  • Maghanda at mag-ensayo ng isang planong pang-emerhensiya para handa lagi sa emerhensiya at ligtas sa panahon ng isang pagkawala ng kuryente. Alalahanin ang mga miyembro ng pamilya na may-edad, mga maliliit na bata, at alagang hayop. Makakakuha ng impormasyon at mga tip, kabilang ang checklist ng planong pangkaligtasan.
  • Isang pantawid-buhay ang mga emergency supply kit sa panahon ng pagkawala ng kuryente, lindol, baha, o iba pang sakuna. Tingnan ang emergency supply checklist para sa isang Public Safety Power Shutoff.
Ang mga kustomer ng PG&E ay maaari ding tumawag sa customer service line sa 1 (800) 743-5000 at tingnan ang social media accounts ng PG&E para sa karagdagang impormasyon kung papaano maghanda bago at sa mismong pagkawala ng kuryente:

Bisitahin ang PG&E website para sa impormasyon sa English, Spanish, Mandarin, Vietnamese, Tagalog, Korean, at Russian.

Para makatanggap ng karagdagang impormasyon at pagsangguni sa mga serbisyo sa English, Spanish, Vietnamese, Cantonese, at iba pang mga wika, tumawag sa 211.